Voltes V: Legacy, Episode 1 - "Voltes V vs. the Boazanian Empire" | TV Episode Review

You can watch the first episode of Voltes V: Legacy for free on GMA Network's Official YouTube channel. Watch it below:

Voltes V: Legacy, Episode 1 - "Voltes V vs. the Boazanian Empire"


Episode Review of Voltes V: Legacy, Episode 1:

Bago pa man ipalabas ang unang episode sa sinehan, marami ng basher ang nag-iingay tungkol sa magiging kalidad ng Voltes V: Legacy na gawa ng GMA Network. May pinanggagalingan naman kasi ang kanilang sentimyento dahil sa ibang TV episodes na ipinapalabas ng naturang network noon ay may kapalpakan pero "ok na yan". Hindi ko na babanggitin ang mga palabas na ito.

At ito na nga siya, ang unang episode ng Voltes V: Legacy (kung hindi niyo pa napapanood, panoorin niyo muna ang naka-embed na video sa blog post na ito bago niyo basahin ang aking episode review para hindi kayo mai-spoil). Masasabi ko na nagkamali ang mga bashers sa kanilang negative assumptions tungkol sa palabas na ito. Dahil, safe to say, maganda naman ang pagkakagawa sa kanya. Hindi ko sinasabing perpekto ito, pero positibo ang aking impresyon at namangha rin naman ako sa palabas lalong-lalo na dun sa eksena kung saan nagtipon-tipon at nabuo na ang parte ng higanteng robot na si Voltes V. Hindi ganoong kasagwa ang CGI effects niya, maganda siya, mahusay ang pagkaka-detalye sa mismong robot na si Voltes V.

Kaya naman bibigyan ko ang unang episode ng gradong: 7.5 / 10.0

May idadagdag lang ako na suhestyon sa kanilang upload nito sa kanilang YouTube channel. Sana ay lagyan nila ito ng English at Japanese subtitle para mapanood rin ng ibang banyaga at bansang pinanggalingan ng anime na Voltes V.

Salamat po!
-
References:
1. Voltes V: Legacy, Episode 1 - "Voltes V vs. the Boazanian Empire" on GMA Network's Official YouTube Channel - https://youtu.be/od1L06SOngE
2. Voltes V: Legacy, wiki - https://en.wikipedia.org/wiki/Voltes_V:_Legacy

Advertisement:
Lazada 5.5 Brand Savers Sale
FREE SHIPPING + STACK UP TO 5 DISCOUNTS!!!

Comments